3:17 AM
Gawa ni:
Roah Guia P. Malimban
Sabi nila, suplada si Ma'am kasi bitter wala kasi siyang asawa. Mabait si Ma'am kasi yung anak niya dito rin nag aaral o pwede ring matanda na kasi siya kaya mainitin ang ulo ang tanong,
Sino nga ba si Ma'am?
Bilang isang estudyanteng kumukuha ng kursong Secondary Education ngayon pa lamang ay nakikita ko na ang sarili ko bilang isang guro. At may lima akong katangian na masasabi kong hindi ako si Roah Guia Malimban kung wala ang mga katangiang ito.
• Madaldal
Taas noo kong ipinagmamalaki ang natatanging patimpalak na binigay saakin noong hayskul pa lamang ako: Most Friendly. Likas akong palakaibigan na tao, siguro'y nakatatak na ito sa pangalan ko, ngunit lagi ko namang isinasaisip na ilugar itong mga bagay na ito. Para saakin, ang pagiging madaldal ko Ay pwede kong gawing gateway to success Sa propesiyon na ito. Dahil Bilang isang guro, kailangan mong makihalubilo sa mga estudyante mo. Ikaw ang humuhubog sa kanilang pagkatao, sino nga ba ang makikinig sa taong walang kabuhay buhay
parang Chicharon lang yan, may dalawang uri ng Chicharon: Chicharong may laman, Chicharong hangin, parehong maingay pero yung isa'y puro hangin lamang. Kailangan nating maging chicharong may laman, para ang mga estudyante natin ay maging komportable at maalam sa klase.
• Nakikinig
Bilang isang guro tungkulin ang pagiging parent surrogate dahil sa buong klase mayroong isa o dalawa na lumaki sa pamilyang hiwalay. bilang ako ay isa sa mga estudyanteng ganoon ang naranasan, Guro ang aking naging sandalan. Naniniwala ako na hindi dapat isinasantabi ang personal na buhay ng mga estudyante dahil ito ay malaking epekto sa kanilang pagaaral maging sa kanilang pakikipaghalubilo. Ang tunay na guro ay handang makinig sa bawat problemang hinaharap ng estudyante. At dahil naging gawain ko na rin ang pag payo sa aking mga kaibigan, marahil ay madala ko rin ito sa aking lakbay sa pagiging guro.
Naniniwala ako na, lahat ng problema ay nalulutas. At bilang isang guro, hindi sapat ang "okay lang" ang aking mga estudyante balang araw.
• Malikhain
Noon pa man ay pinangarap kong maging isang pintor. dahil ang art ang maituturing kong pinakamagandang regalo saakin ng Ama. Bata pa lamang ako mahilig na ako gumawa ng mga artwork Dahil ang lola ko ay isang guro at mayroon siyang mga karton na hugis letra. At doon ako nagsimulang matuto.
Inisip ko rin na mas masaya gumawa ng mga plates kaysa mga Pe-Ta pero bakit nga ba ako nandito? Oo mas madaling gumawa ng mga larawan pero iba ang saya pag tao ang hinubog mo bilang isang propesiyunal Ang obra para sa pintor ay ibinebenta Ang obra para sa isang guro ay pinapamahagi at ipinagyayaman
• Laging Handa
Nagsimula ako bilang isang girl scout nagsanay para maging C.A.T. officer ngunit di rin ako pinalad at naging B201506 ng UST-GCC 4th class officer ng mahigit kalahating taon. Nasanay na akong maging Laging Handa. Dahil sa humigit kumulang limang taong pagsasanay, matagal ko nang isinasabuhay ang grace under pressure kung tawagin. Ang guro ay dapat laging handa dahil tayo ang may hawak sa klase, tayo ang may kasalanan sa kung ano mang mangyayaring masama. Halimbawa na lamang kapag may hinihika, nahihimatay, magsusuka, May nilalagnat, May nasugatan, may nauntog, may nahihilo, may nakakita ng multo, may sinapian, May natae Sa loob ng klase, May napahiya Sa klase, May umiyak Sa klase unang hahanapin at sisisihin Ay ang Guro. at isang magandang naidulot saakin ng aking mga karanasan Ay maging mapagmasid sa mga nangyayari at kakayahang hindi mataranta sa gitna ng kaguluhan.
Ang guro ay dapat maging maingat mapagmasid at maunawain at walang arte dahil hindi lahat ng estudyante ay parepareho kailangan marunong tayo maging handa para sa kapakanan nila.
Ang pagiging isang Guro Ay misyon para Sa nakararami, walang doktor, inhinyero, accountant, pharmacist, medtech, nurse, architect, designer, pintor, phyisical therapist, occupational therapist, speech language pathologist, travel manager, chef, nutritionist, food technologist, technician, psychologist, pari, madre, sacristan, scientist, biologist, chemist, electrician, reporter, author, journalist, maging ang mga artista, direktor, senador, alcalde, cabinet members ng pangulo, mga sundalo, mga piloto mga seaman, maging ang mga magnanakaw, isnatcher, budol-budol mga mamamatay tao, kidnapper, rapist at kung ano pa lang May "er" at "ist" wala ang mga yan kung walang mga Guro. nasa pamamalakad din ng guro kung ano ang kahihinatnan ng kanyang mga estudyante. Kung may natutunan ang bata. maaring maimpluwensiyahan sya ng guro maging isa sa mga nabanggit kong mararangal na trabaho kung ang guro ay bastos at walang ginawa kung hindi mang discourage ng kanyang mga estudyante ay pwedrng mapapait na karanasan ang mapala nito. Ang guro ay nakakapekto sa bawat espeto ng buhay ng mga estudyanteng kanyang hinahawakan.
At ako. Bilang isang guro ay gagawin ang lahat upang maging matagumpay sila habang buhay, at ang tunay na ligaya ay matatagpuan sa mga simpleng bagay.
No comments:
Post a Comment