Naaalala ko pa noong 2nd Year High School pa ako... isa akong hindi seryosong mag-aaral na walang kapaki-pakialam sa grades, kapwa at kapaligiran niya. Ang alam ko lang ay mag-laro, makipagkatuwaan at maging masaya kahit na sa hindi magandang paraan ang pagiging masaya ko. Mga kasa-kasama ko rin ay ang mga taong masasama'ng ehemplo at masamang impluwensiya sa akin. Nabubuhay ako sa mundo na ang tanging kasiyahan lang namin ay pangchichismis nga mga kapwa kaklase namin. Hanggang sa isang araw ako na ang napagchisimisan at na-bully ng mga tinawag kong mga "kaibigan" ko at wala man lang tumulong sa'kin dahil masiyadong takot ang mga tao sa kanila... hanggang sa nilapitan ako ng adviser ko dahil sa ako'y umiiyak na sa depresyong aking nararamdaman.
Ang adviser ko'ng ito'y isang inglisera dahil sa pinipili niyang mag-ingles dahil sa tingin niya ay masakit ang mga salita sa tagalog kapag pinagsasabihan niya (sa tagalog) ang mga estudyante kapag pinagagalitan. At dahil sa ayaw niyang makasakit ay pinili niyang mag-ingles. At wala pa'ng nakakarinig sa buong skul namin na mag-tagalog siya.
Noong nilapitan niya ako tinanong niya ako "Gab, what's wrong why are you crying?" Tapos sinabi ko sa kaniya lahat ng ginawa at sinabi sa'kin ng mga "kaibigan" ko at kung ano ang aking naramdaman pagkatapos. "Gab, hindi naman kasi pwedeng hayaan mo nalang silang ganiyanin ka... kailangan mo rin magsalita at tumayo para sa sarili mo. At hindi ka naman ganun eh, gawa gawa lang nila iyon. Wag ka'ng magpapadala kasi you're a great person."
Laking gulat ko nang nagtagalog ang guro ko sa harap ko. Sa una pa nga'y akala ko hindi siya ang nagsasalita dahil sa hindi ko alam ang tunog niya kapag nagtatagalog. At dahil doon ay nagbago ako. Iba na ang pakikitungo ko sa mga kapwa ko, sinubukan ko na ring maging masipag at iangat ang bulok kong grado sa mga asignatura ko sa klase, hindi na ako nagiging pabaya at nagkakaroon na ako ng pakialam sa mga bagay-bagay at unti unti na rin akong humihiwalay sa masasama kong kaibigan.
Umapak ako'ng 3rd Year na umalis na ang gurong nagpabago sa'kin upang tapusin ang kaniyang masteral sa UST, ngunit dumating naman ang mga bagong graduate na mga guro sa aming eskwelahan. Isa doon ay ang pinakakaclose ko na english teacher na'min. Isa sha sa pinakamahusay at naging isa sha sa mga tinutularan ko sa buhay. At tumagal-tagal ay unti-unti ko ng napapansin ang mga magagandsang ginagawa ng mga guro sa'min na hindi nakikita ng iba kong mga kaklase't kaibigan.
Nakikita ko rin ang hirap na kanilang dinadala at dahil din dun na nakita ko sila hindi lang isang guro kung 'di mga bayani'ng hindi napapansin. At noong dumating ang college fair sa'min, nagkaroon kami ng seminar sa kung ano ang gusto naming kunin pag dating ng college, at dahil sa mga napansin ko sa aking mga guro, ay nakapgpasiya ako na maging guro din. Gusto kong maging kagaya ng mga guro ko na kahit pagod na pagod ay masaya pa rin sa kanilang ginagawa. Gusto kong maging katulad ng mga guro ko na kayang bumago ng buhay ng iba at kaya ring makapagbigay inspirasyon sa mga estudyante.
Natapos ako ng 3rd year na mayroong parangal sa unang pagkakataon sa buong buhay ko sa Don Bosco. At para saki'y dahil iyon sa mga guro ko na nagbigay inpirasyon sa akin at hindi ako pinabayaan. Doon noong araw na iyon talaga ako naging sigurado na magtuturo talaga ako balang araw.
Ang mga guro'y isa sa mga bayani na hindi natin napapansin. Sila'y parang mga panyo na kahit hindi na'tin namamalayan na nandiyan sila ay lagi paring andiyan kapag tayo'y pinagpapawisan, sinisipon, nauusukan at kapag walang pangsilong tulad ng payong, sila nalang ang pwedeng alternatibo. Mainis man sila oh magalit sayo, para silang mga magulang na hindi ka pa rin pababayaan kahit mapagod man sila, ngingiti pa rin sila.
At kahit na nakakapagod maging guro, masasabi pa rin nila na masaya sila... at yun ang gusto kong maging; ang maging masaya kahit na pagod na pagod na at masabing "Masaya ako sa trabaho ko".
At ngayong nag-aaral na ako upang maging guro, masasabi kong mahirap nga siguro ang daan patungo sa pagiging guro... pero sa tingin ko'y worth it naman ang hirap.
Love you past teachers! Hope I'd see you guys again. Kahit hindi na kayo nagtuturo jan sa Don Bosco, I'll never forget you guys. Thanks for inspiring me to be like you guys.
-Gab Guevarra
1E2
No comments:
Post a Comment