Saturday, February 27, 2016

SERBISYONG HINDI MAPAPANTAYAN



ANG MAKABULUHANG TANONG
Bakit nga ba pagtititser? 

 Naranasan mo na bang ngumiti kahit ika'y pagod? Tumawa kahit mahirap? O kaya naman'y matawag na dakila? Sa pahayag na aking ilalahad, may mga punto sa buhay na muntikan na akong sumuko pero hindi hadlang lahat ng paghihirap kung gusto mo naman ang iyong ginagawa.


      May mga taong nagsasabi na ang pagiging isang guro ay isang mababang katungkulan lamang. Para sa akin, ito ay isa sa pinakamalinis at matalinong propesyon. Marami kang matuturuan, marami kang mabibiyayaan ng mga kaalaman at higit sa lahat, maraming kikilala sa'yo bilang isang bayani. Mahirap, isa itong salita kapag ikaw ay nakapagturo ngunit sa huli, lahat ng iyong pinaghirapan ay mapapalitan ng kasiyahin. Pasensya, ito ang isa sa mga kinakailngan upang makamit ang iyong hinahangad para sa sarili at sa  iyong mga estudyante. Maabilidad, isang katangian ng isang guro upang mas maunawaan ng mga estudyante ang kanyang ipinapahatid na mensahe. Ang pagtuturo ay hindi lamang para sa mga estudyante, ito din ay para mas maintindihan mo ang iyong sarili. 

     Bakit nga ba mas pinili ko ang pagtititser kaysa sa ibang propesyon? Noong nasa ikaunang baitang pa lamang ako ng elementarya, ang pangarap ko ay maging isang matagumpay na nars dahil isa ito sa pinakakilala na propesyon sa buong mundo at halos lahat ng mga babae sa pamilya namin ay naging nars at sila ay nakapunta sa ibang bansa at may marangal na trabaho ngunit napansin ko na ang daming nars na nawalan ng trabaho. Noong nakatungtong ako ng first year highschool, Nabigyan ako ng oportunidad para makapag isip ng malalim hingil sa aking gustong maging trabaho sa hinaharap. Isa sa mga taong tumulong sa akin upang makagawa ako ng desisyon para sa aking magiging kurso ay ang aking naging English teacher. Hindi lang siya nakatulong sa akin kundi napamahal nadin. Sa mga mensahe niya tungkol sa pagtuturo ay lalo akong nagkaroon ng tiwala sa aking sarili na pagdating ng kolehiyo ay magsisimula ang aking mga pangarap. 


      Kaya ko nagustuhan ang maging guro ay dahil nakakapagod man ito, marami ka namang matutulungan. Pwede akong maging tutor at maging pangalawang ina sa mga estudyanteng tuturuan ko. Marami akong benepits na makukuha sa aking pagtuturo katulad na lamang kapag umatend ako sa mga workshops at seminars tungkol sa pag aaral at pagbibigay impormasyon. Maraming trabahong naghihintay kahit saan mang lugar kung kaya't maganda din ang epekto ng propesyong ito. 

      May mga iba't ibang rason kung bakit ang pagtititser ay masasabing isang misyon at hindi isang trabaho lamang. Nais kong malaman ng mga mambabasa nito na itong propesyon na ito ay higit pa sa perang natatanggap mo kapag ika'y nakaswledo dahil mas nangingibabaw ng halaga ng kaalaman na mayroon ka at ang mga estudyante mo kumpara sa dami ng pera na matatanggap mo. Subalit sa kabilang pananaw, mahalaga din ang pera upang matustusan ang mga pangangailangan mo sa buhay. Ang pagtuturo ay isang misyon dahil dito, mas umaapaw ang pagmamahal at serbisyo. 
   
       
          Higit pa sa "lang" ang salitang titser. Higit pa sa tumagas na tubig at langis lahat ng mga paghihirap na nararanasan at mararanasan ng isang guro. Darating din ang panahon na ang karamihan ay mapapabilib sa mga abilidad at talino ng isang titser na handang isakripisyo ang kanilang mga buhay upang mapabuti ang mga estudyanteng may mga pangarap din na gusto nilang makamit. Hindi na bale na ikaw ay matawag na manang kung alam mo sa sarili mo na marangal ang ginagawa mo. Walang dapat ikatakot at hindi dapat magpaapi kung kaya't ang pagtuturo ay isa sa pinakamasaya at pinakamatalinong gawain sa mundo.

    "In learning you will teach and in teaching you will learn"

Ang aking pangala'y Marianne Isabella O. Pangilinan at ako ay naniniwala na ang pagtuturo ay minamahal at hindi dapat minamaliit. 

No comments:

Post a Comment