Friday, February 26, 2016

Ang Aking Inspirasyon sa Pagiging Isang Guro

      Ang aking pinsan na si ate Peeaye ay ang naging insppirasyon ko para pangarapin maging isang guro sa hinaharap. Pinakita niyan sakin kung gaano kaganda ang buhay ng isang guro. Nag tapos ang aking pinsan ng Bachelor of Education Major in Special Education sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 2011. Ngayon ay nasa Jakarta, Indonesia na ang aking pinsan at doon siya nag tratrabaho bilang isang guro. Pero! Hindi siya nag hahandle ng mga bata na may kapansanan doon, mga tinuturuan niya na mga bata sa Jakarta ay mga pre school children, hindi katulad noong fourth year siya nung college. Iba't ibang klase ng mga bata na may kapansana ang kanyang tinuturuan. Mapa bulag man yan, binge, pipe, may down syndrome or may ADHD.



     Nag simula ang istorya ng aking pag pangarap maging isang guro noong first year high school palang ako sa UST Junior High School at ang aking pinsan ay isang graduating student na sa College of Education. Madalas kaming nag kikita noon tuwing uwain, lalo na noong mga panahon na hindi pa nag uumpisa ang kanyang practicum sa mga iba' ibang paaralan para sa mga SpEd teacher sa labas ng unibersidad. Pinapakita niya sakin ang mga iba't ibang gawain ng mga student teacher katulad niya, Isa sa mga dahilan kaya ko nagustuhan maging guro ay dahil nakakatuwa makita ang aking pinsan at ang mga kaklase niya na masaya sila sa kanilang pinangarap na propesyon lalo't na matrabaho at mahirap ang pinili nilang specialization sa kolehiyo. Isipin mo naman na dapat sobrang haba ang iyong pasensya sa mga bata lao na sa mga may kapansana dahil malaki ang pag kakataon na mahihirapan sila na intindihin ang mga tinuturo mo sakanila tulad ng pag basa, pag bibilang at marami pang iba, dulot ng kanilang kapansanan. Pangalawa, sobrang babaw neto pero naka tulong din to sa pag dedesisyon ko maging guro at yun ay ang iba't ibang kulay ng uniporme ng aking pinsan hahahahaha. Araw araw kasi na paiba iba ang kulay ng uniporme niya at nakaktuwa tignan, nilalait ko pa nga ung mga iba niyang uniporme dahil may isa siyang uniporme na pag kakamalan mo na nag tratrabaho siya sa isang fastfood chain hahahaha. Pero kahit ganun na nilalait ko ang itsura ng uniporme ng aking pinsnan isa yan sa mga dahilan kaya ko gusto mag guro, wag ka! hahaha. Pangatlo, dahil gusto ko maka tulong sa aking mga magiging estudyante na ipakita sa kanila na masaya mag aral at masarap maging estudyante kaysa tumigil sa pag aaral at maging isang batugan sa kanilang tahanan.


     At ayan ang aking Inspirasyon na si ate Peeaye. Siya ang naging ilaw para sakin para makita ko na pagiging isang guro pala ang aking hinahanap na kurso sa kolehiyo. Malaki ang aking pasasalamat sakanya dahil sakanya nasa College of Education ako sa Unibersidad ng Santo Tomas, isa sa mga paaralan sa Pilipinas kung saan kinikilala ang isang guro pag sa UST siya nag tapos ng kanyang pag aaral. Ngayon gusto ko nalang ibahagi sainyo ang mga larawan ng aking ate na masaya ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang guro, kaht hindi man siya sa Pilipinas nag tratrabaho, masaya ako para sakanya dahil msasya siya sa kanyang trabaho. I love you ate!



No comments:

Post a Comment