Almonte, Gedbert Celine G.1E2
"BAKIT EDUC?""EDUC LANG?""DI KA YAYAMAN DYAN.""WALANG PERA SA EDUC.""BAGSAKAN LANG YAN NG MGA BOBO."
Ilan lang yan sa mga tanong at insultong natamo ko noong pinili kong maging kurso ang Bachelor of Science in Secondary EDUCATION.
Noong nagdedesisyon pa lamang ako kung anong nkukuhanin ko sa kolehiyo ay isa talaga sa aking pinagpipilian ang Education. Sa totoo lang, ito ang first choice ko at ito taloaga ang gusto kong maging trabaho pag ako'y tumanda na. Una kong sinabi ito sa aking ina na walang sawang sumuporta sakin at sa aking pamilya na gusto lamang ang bagay na makakapagpasaya sakin. Edi 'yun. Walang problema. Payag na silang lahat. Ngunit di ko naiwasan na magtanong sa aking mga kapamilya at kaibigan kung anong tingin nila sa pagkuha ko sa kursong ito. Madami ang nadismaya dahil nga wala daw yumayaman sa pagtititser. Madami rin namang namangha dahil mahirap at karespe-respeto daw ang aking magiging trabaho sa hinaharap. Hindi na ko nahirapan pang magdesisyon, pagguguro na talaga ang gusto kong tahaking landas.
BAKIT NGA BA PAGTITITSER? Kinuha ko ang kursong ito dahil may tatlo akong malaking dahilan. Ito ang naging basehan ko upang kunin ang kursong ito.
Unang-una sa lahat, ito ay isang marangal na trabaho. Oo mahirap ang maging isang guro ngunit ang respeto at rangal na matatanggap mo galing sa mga estudyante mo ay higit pang nakakatuwa sa kahit anong halaga ng pera. Isa ito sa gusto ko dahil gusto kong maging isang karespe-respeto at kagalang-galang na guro.
Pangalawa, gusto kong hubugin ang mga buhay ng aking mga estudyante. Sabi nga nila ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Gusto kong maging isang guro upang ituro at ipakita sa aking mga estudyante and tamang daan tungo sa pagbabago. Gusto kong tumulong sa ating bayan upang ito'y mapabuti. At gusto kong maging isang ahente ng pagbabagong inaasam ng mga pilipino.
At pangatlo, gusto kong maging isang guro dahil gusto kong ipamahagi ang mga aral na nmakakatulong sa aking mga estudyante. Hindi ako yung gurong nagtuturo lamang galing sa libro ngunit gusto kong maipamahagi ang mga aral na natutuhan ko sa aking mgakaranasan sa buhay. Ako ay magsisilbing gabay at patnubay ng aking mga estudyante.
Iyan ang tatlo sa pinaka malaking dahilan kung bakit itong kurso na ito ang kinuha ko. MAdami pa akong iba pang rason ngunit hindi ko na ito sasabihin. Ang masasabi ko na lang ay hindi ako nagsisisi at hinding-hindi ako magsisisi na ito ang pinili ko.
No comments:
Post a Comment