Bakit nga ba ang propesyon bilang isang Guro?
Hindi ko maiwasang mapansin, pero karamihan sa mga taong
nagsasalita tungkol sa propesyong pagtuturo ay palaging ikinakabit ang salitang
‘lang.’ Hindi ba’t parang nakaksawang pakinggan at nakakababa ng kalooban sa
‘twing nakaririnig ng ganyan? Ang iba naman, kahit hindi ikabit ang salitang
‘lang’, makikita mo ang pagngiwi ng mukha nila matapos malaman ang gusto mong maging
trabaho.
Masama ba ang propesyong ito? Bakit nga ba ganito ang
naging pananaw ng karamihan sa mga tao? Ngunit kahit na ano ang isipin ng iba,
itong propesyon parin ang napili ko at ipagpapatuloy ko ito.
Totoo, ang pagtuturo ay hindi ko ikayayaman at sobrang
matrabaho ang propesyon na ito. Siguro pinagtataka ng ibang tao kung bakit
pinapahirapan ko ang sarili ko sa propesyong hindi naman magdudulot sa akin ng
kayamanan at madaling pamumuhay. Ang masasabi ko lamang ay, ang pagtuturo ay
nagpapasaya sa akin.
Naranasan niyo na bang maging masaya dahil may natulungan
ka, na para bang ang nagawa mo ay isang napaka gandang bagay at hindi mo matiis
na ipagmalaki mo ang sarili mo dahil sa nagawa mo? Ganun ang pakiramdam ko sa
propesyong napili ko.
Noong una, gusto kong maging isang nurse dahil maayos at
malinis tignan ang mga nurse, siguro dahil bata pa ako kung kaya’t mababaw ang
dahilan kung bakit nagustuhan ko ang propesyong iyon. Nang lumipas ang panahon,
naging blanko ang isip ko kung ano talaga ang gusto kong maging propesyon.
Marahil dahil lumawak ang isipan ko kaya’t hindi na ako makapag pili sa
nararapat na propesyon para sa akin.
Hanggat isang araw, hindi man kapanipaniwalang pakinggan,
bigla ko nalang naramdaman ang pagnanais kong maging isang hamak na guro. Para
sa akin, isang malaking tanda na ito ang pinili na propesyon ng Diyos para sa
akin, sino ba naman ako para tanggihan ang plano ng Diyos para sa akin diba?
Higit pa sa dahilang una kong nabanggit, masasabi kong may
pagsinta talaga ako sa pagtuturo. Noong nasa hayskul pa lamang ako, isa ako sa
mga matatalinong estudyante kung kaya’t hilig kong tulungan ang mga kaklase ko
sa mga gawain nila. May pinaniniwalaan ako, ang kasabihang, “You have to teach
the men how to catch a fish, not give them a fish.” Dahil sa paniniwala ko sa
kasabihang yan, nakatatak sa utak ko na kailangan kong turuan kung paano
sagutin ang mga bagay-bagay at hindi lamang ibigay ang sagot dahil ikabubuti
din ng tinuturuan ko kung matutunan niyang gawin ang nasabing gawaing
akademiko. Habang tinurturuan ko sila, aaminin ko, hindi naging madali dahil
minsan kakailanganin ng mas higit pang oras at pasensya sa pagtuturo pero
matapos mong magturo at nakita mo na natuto yung tinuruan mo, ang sarap sa
pakiramdam na isa ka sa mga rason kung bakit na debelop ang taong iyon.
Ako ay isang instrument ng Panginoon at buong puso kong
tinatanggap ang hamon bilang maging isang guro. Ang misyon natin ay tulungan
ang isa’t isa kung kaya’t iaalay ko ang buhay ko sa pagtutulong at paghuhulma sa mga bubuo ng
magandang kinabukasan, ang mga kabataan.
Shamaiah Tangpuz - 1E2
No comments:
Post a Comment