Monday, February 29, 2016

KAYLANGAN BA TALAGA NATING PUMASOK SA SCHOOL?

KAYLANGAN BA TALAGA NATING PUMASOK SA SCHOOL?

Isang tanong na maaaring natanong na natin sa sarili natin noon o di kaya’y tinatanong parin natin sa sarili natin ngayon. Bakit ba kasi natin kaylangan  pumunta sa mga klase, magbayad para matuto, bumili ng mga uniporme, at kung ano ano pang mga kaylangan gawin, bilhin o sundin.

Ikaw, bakit ka ba nasa eskwela ngayon? Gusto mo ba talaga, o napipilitan ka lang? Napipilitan ka dahil sa mga expectations ng magulang mo? Sa mga trabaho na gusto mong makuha sa hinaharap? Sa pride mo sa sarili mo na kahit alam mong hindi angkop para sayo ang pinagaaralan mo ay nagpapakadalubhasa ka parin sa kakaaral?

Kung ang sagot mo sa ilan sa mga  tanong na iyan ay puro “di ko alam”, “oo”, “siguro”, o “ayoko”, katulad mong mag-isip ang mga estudyanteng tumigil sa kanilang pagaaral.

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante ay pinipiling ‘wag na mag-aral? Ayon sa statistics, marami itong dahilan. Tignan na lamang ang table sa ibaba:

 


Marami ding iba pang dahilan bukod sa nakasaad sa table sa itaas. Isa sa mga dahilang ito ay may mga pagkakataon na ang pageeskwela ay nakakaudlot o nakakahadlang sa tunay na pagkatuto o tuluyang pamumulaklak ng isang tao.

Tignan nalang natin si Albert Einstein bilang isang ehemplo. Noong siya’y nasa eskwelahan ay mukha siyang chupol sa mata ng kaniyang mga kaklase at ng ibang guro. Ngunit noong siya’y kumawala sa puder ng mga alimasag, siya’y biglang namulaklak at tuluyang lumago lalo ang kaniyang mga kaalaman tungkol sa mga bagay bagay.


Isa pa sa mga dahilan ng pagddrop out ng mga estudyante ay hindi talaga para sa kanila ang pageeskwela, maaaring mayroon silang personal na tawag galing sa Panginoon sa kung ano man ang kanilang mga “gifts” o di kaya’y mayroon silang sariling mga interes. Dito na papasok ang tinatawag nating “Multiple Intelligence” na di porket hindi na nageeskwela ang isang bata ay ibig sabihin nito ay hindi na siya matalino. Lahat ng tao ay may kaniya kaniyang taglay na uri ng katalinuhan.

 

Si Ellen De Generes, Oprah Winfrey, Bill Gates, at Mark Zuckerberg ay ilan lamang sa mga taong namumuhay ngayon ng masagana kahit hindi sila nagtapos ng pagaaral.

Maaaring sa puntong ito ay nabbore ka na magbasa jan at maiisip mo, ANO BANG POINT KO BAKIT KO TO SINUSULAT?

Una, nais kong maparating sa mga taong mababa ang tingin sa mga “drop outs” na mali kanilang iniisip. Maraming mga nakapagtapos ng pagaaral ngunit wala din namang silbi ang kanilang pinagaralan. Nagsayang lang sila ng pera at pagod. Oo, marami ding mga “drop outs” na walang nangyari sa buhay nila kundi naging oabigat lamang sila sa tao sa paligid nila. Sinasabi ko lang dito na, wag niyong itulad ang isang tao sa lahat. Iba iba ang mga tao at matuto tayong wag manghusga.

 

Panghuli, gusto kong makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao na “nasasakal” na sa mga patakaran ng eskwelahan. Sa mga taong mababa ang tingin sa sarili dahil hindi sila magaling sa math, english o history ngunit may tinataglay na angking galing sa paggawa ng musika, pagpipinta, paglalaro ng isports at marami pang iba. Wag kayo mag-alala dahil hindi kayo nirerepresenta ng mga grado niyo sa eskwela. Magpatuloy lang kayo sa pakikipagsapalaran sa hirap upang matamo niyo ang tunay na kalayaan at kasiyahan na inyong pinapangarap.

 

Ngayon na patapos na ako sa punto ko, sasagutin ko na ang tanong ko kanina. Kaylangan ba talaga naging pumasok sa school?

Ang sagot ay simple lang, maganda na pumapasok ka sa ekwelahan, ngunit kung ang pageeskwela ang nakakahadlang sayo para maging best na ikaw, edi hindi mo kaylangan mageskwela dahil hindi ito para saiyo.


Hi sir (o kung sino pa nagbasa ng blog entry ko) natutuwa po ako at tinapos mo po ito. Hehe. Salamat po.


LILAC JERRIKA CATOLICO

1E2

No comments:

Post a Comment