Sunday, February 28, 2016

Ang aking mga insperasyon

Ang aking mga insperasyong guro

Maraming mga tao ang tumulong sa akin para makarating kung na saan na ako ngayon sa aking buhay.Marami pa akong kailangan matutunan, marami pa akong kailangan gawin. Pero alam ko sa sarili ko na malayo na ang aking narating. 

Ano nga ba ang guro? Maraming ibat ibang mga kahulugan mabibigay ang isang tao sa pagiging guro. Pero para sa akin mayroon akong sariling pag uunawa sa salitang 'guro'. 

Ang guro ay ang mga taong bumubuo ng ating mga kinabukasan. Sila ang mga taong may matututunan ka, ang mga taong bubuo sa iyong pag ka tao. Kung masasabi mo na ikaw ay may matututunan at kung ikaw ay nagkaroon ng taong tumulong sa iyo, ikaw ay nagkaroon na ng guro sa buhay. Hindi lahat ng guro ay matatagpuan sa silid aralan, maraming tao sa ating buhay na pwede nating ituring guro. Ang mga taong nag bigay inspirasyon sa atin at bagong kaalaman. Pwede sila maging mga magulang mo, mga kaibigan mo, pwede rin yung ka-ibigan mo. 
        

Itong dalawa ang aking unang mga guro sa buhay, sila yung taong kahit kailan hindi ako binabayaan, sila yung taong tinulungan ako sa lahat ng bagay na kailangan ko, sila rin yung taong nagbigay ng aking maginhawang buhay. Wala silang hiningi sakin, lagi lang nilang sinasabi sakin na gawin ko ang gusto kong gawin sa buhay, kung saan ako masaya at wag na wag ko daw silang kakalimutan. 



Punong puno ako ng pasasalamat sa aking mga magulang, tinuraan nila akong mabuhay sa mundo. Kahit anong palpak ko sa buhay, laging kong alam nandyan sila para saluhin ako. 

Lumaki akong spoiled sa aking magulang, lahat ng aking gusto binibigay nila kahit na rin yung mga bagay na hindi ko hiniling binibigay nila. Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganito sa akin, sa aming mga mag kakapatid ako yung pinaka patapon, pinaka mababa ang mga grado, ako rin yung pinaka nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanila dahil sa aking mga gawain nung ako ay na sa highschool. Kahit na ako yung 'black sheep' sa aking pamilya ako parin ang paborito nila. Ito ang dahilan kung bakit sila ang inspirasyon ko sa buhay para maging guro. Subalit ang mga kalokohan, katamaran at mga bisyo ng isang istudyante, sila parin ay may potensyal na maging mabuting mga tao. Ganun din ang aking magulang sa akin, kahit kailan hindi nila ako tinaboy. Oo pinagalitan nila ako, pero nanatili parin yung kanilang pagiging magulang. Ngayon ko lang ito nakikita sa kanila, kaya malaki ang aking pasasalamat sa kanila. 


Itong mga lalaking to ang aking barkada, ang tawag namin sa aming barkada ay ' la tierra de los grandes' o kaya 'TCG'. Yun ang uso sa amin dati, pinapangalan ang mga barkada, naging tradisyon na iyon sa La Salle Green Hills. Pero para sa akin hindi lang sila barkada, pamilya ko na rin sila. Marami kaming pinagdaan kahit man haiskul lang kami nag sama ng matagal, alam namin na kami ay magkapamilya. Kami ay hindi mag iiwanan. 

Maliwa man kayo o hinde, kahit papano naging guro rin sila sa aking buhay. Malaki ang aking pinagbago, salamat sa kanila. Lumaki ako bilang isang tao, espirituwal at pang ka tauhan. Tinulungan nila ako lagpasan ang haiskul. Kalokohan man o seryosohan marami akong natutunan sa kanila. Lagi kong matatandaan na natutunan ko sa kanila ay kami ay magkakapatid, walang iwanan. 




Maraming nag sasabi sakin na lagi kong gawin ang mga bagay para sa aking sarili, at wag para sa iba kase sa huli ang sarili mo lamang ang mayroon ka. Pero para sa akin, hindi ko kayang gawin yun. Lahat ng ginagawa ko ay para sa aking mga magulang at lalong lalo na sa babaeng ito. Siya si Abby, ang babaeng nag bago sa aking buhay, ang babaeng naging inspirasyon ko. Hindi ako nahihiyang sabihin na mahal ko siya. Pinagmamalaki ko siya sa buong mundo. 

May tatlong taon ko na siyang kilala, at alam ko na malaki ang aking pinagbago, siya ang malaking dahilan. Marami na kaming pinagdaanan, at sobrang laking pasasalamat ko sa kanya at naging malaking parte siya ng aking buhay, masasabi ko na, na siya ay parte na ng aking buhay. 

Sa lahat ng mga natutunan ko sa kanya, ito ang mga bagay na masabi kong magagamit ko sa pagiging guro. Naging mas maunawain ako, mas matiyaga, humaba ang aking pasensya at natuto akong maging masipag at gawin ang lahat ng makakaya ko sa lahat ng aking gagawin. 

Siya ay ang pinakamalaking inspirasyon ko sa pagiging guro pati na rin sa buhay. Sinong nag sabing iiwan ka ng lahat ng tao? Siguro hindi mo pa nahahanap ang taong nararapat sayo, malaking pasasalamat ko sa kanya na nahanap ko na ang taong pinagpala sa akin. 


At dito nag tatapos, sila ang aking mga insperasyong guro. 

- Terence Montemayor Parunga, BSeD 1E2











No comments:

Post a Comment