Karapatan ng isang bata ang magkaroon ng tahanan. Isang lugar na mayroon tayong magulang at kapatid na matatakbuhan kung may problema, masisilungan kung umuulan, tutugon sa mga pangangailangan at huhubugin ang pagkatao mo mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Dito natin nararanasan halos lahat ng bagay na kailangan nating matutunan. Para sa akin, tinuturing kong pangalawang tahanan ang bawat paaralan, na katulad ng sariling tahanan, mayroong mga guro at kamag-aral na matatakbuhan, silid-aralan na masisilungan, pisara at mga silyang tutugon ng pangangailangan at mga librong huhubog sa pagkatao mo. Ang paaralan ay kailangang may maaliwalas at payapang atmospera. Lumaki ako sa paaralang(Colegio de San Bartolome de Novaliches) alam kong aking babalik-balikan. Naibigay nito ang kinakailangan ko upang maging handa sa mas mahirap na bahagi ng aking buhay. Oo, nahirapan ako sa sampung taon na pamamalagi ko sa paaralang iyon. Ngunit hindi ko maitatangging itinuring ko itong aking pangawalang tahanan. Hindi man ito malaki o sikat, may maliit na mga pasilidad at mga silid-aralang walang aircon, dito naman ako natuto ng mga termino at mga proseso at maging tunay na makabayan at makatao. May mga gurong matatakbuhan at mga kamag-aral na hanggang ngayon ay tapat pa rin na kaibigan. Bilang isang estudyante ng programang edukasyon, pinangarap ko rin na magkaroon ng sariling paaralan. Para sa pasasalamat ko sa aking dating paaralan, gumawa ako ng plano at binase ko dito ang pangalan:
St. Bartholomew Catholic School of Novaliches
Quirino H-way, Quezon City
(Para sa simbahan, bansa at sa maralita)
Ang pangalan ng paaralang ito ipinangalan buhat kay San Bartolome na naging kasama sa labindalawang alagad ni Hesus at kilala bilang isang martir. (Simbolo: Kutsilyo at libro)
Ang paaralang ito ay:
- co-education
- isang paaralang katolika
- isang pribadong sektor
- K-to-12 kurikula (pagsasanay sa pagiging experto at tanggalin ang ano mang hindi importanteng kalakaran)
- mayroong elementarya(Kindergarten - grade 6) at sekondarya
Vision:
We, as a disciples of Christ and a faithful believers of St. Bartholomew, strive with zeal to lead moral and humble students towards excellence and grace, equip them with 21st century skills, engage them to philosophical and logical ideas and support them to their religious endeavors to systemically and sincerely serve the church, the country and the poor.
(Kami, bilang disipolo ng Diyos at tapat na pananalig kay San Bartolome, ay lubos na nagsusumikap mabigyan ng kagalingan at parangal, maglaan ng kasanayang makatutulong sa kasalukuyan, maturuan ng mga pilosopikal at lohikal na pagkaunawa at magtaguyod ng tuntuning magpapatatag ng kanilang pananampalataya ng mga mabubuting mag-aaral upang mapagsilbihan ng maayos at matapat ang simbahang katolika, ang bansa at ang mga maralita.)

Mission:
We are committed to the development of mind, skills, emotions and moral of every individual through high quality education and persistent honoring of the core values by effectively using all the events and circumstances in the school.
(Kami ay dedikado sa paghubog ng isip, emosyon at moral ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mataas na antas ng edukasyon at patuloy na pagpapahalaga sa mabubuting asal na naipapakita ng bawat pangyayari at kondisyon sa paaralan.)

Arkitektura:
(2500 sq feet)
Kurikula:
Mahalaga ang bawat kurikula sa paaralan dahil ito ang magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagkatuto na kinakailangan sa pagta-trabaho at paghubog ng isang karakter.
Kurikula ng Pre-school
Mahalaga ang tamang kurikula sa bahagi ng pagkatuto ng mga mag-aaral dahil dito nagkakaroon ng unang impresyon at bumubuo ng interes ng isang bata.
Kurikula ng Primarya
Dito nagagawa ng bata ang magsiyasat at pagkilala sa sarili. Dito nahahasa ng bata ang mga pangunahing kaalaman na matututunan upang maging malaya o mapagsarili.
Dagdag:
Pagiging babae at lalaking iskaut
Pagtatanim at paglilinis sa loob ng paaralan
Kurikula ng Sekondarya at Senior High
Ito ang mga mahahalagang gabay na susundin upang makamit ang kinakailangang kasanayan para sa pagpasok sa tersiyaryong paaralan at magkaroon kaalaman sa mataas na antas ng karunungan. Dito masusukat ang pagiging independent ng isang mag-aaral.
Dagdag:
Kung paano:
Pagbabayad ng buwis
Paghahawak ng credit card
DAGDAG NA KURIKULA:
Kinakailangan ng mag-aaral ng talento o kasanayan sa isang bagay na maaring higit sa iba upang ma-impress ang pamantasan na papasukan ng mag-aaral o paghubog ng interes nito.
Pasilidad, Libangan at Serbisyo:
Kinakailangan ng bata ng maayos, malinis at maginhawang paligid upang matuto ng husto.

No comments:
Post a Comment