Ang aking mga inspirasyon at bakit pagtuturo ang aking napili.
Ayon sa mga tagapuna, ang pagiging guro ay magiging madali lamang dahil ito ay para lamang sa mga walang magawa sa buhay at ang pagtuturo ay nakakainip dahil puro lecture at homework lamang ang gagawin. Para sa akin; ang pagiging guro ay hindi madali dahil may mga hamong hinaharap tulad ng oras, mga madadaldal na estudyante, atbp. Ngunit, sa kabila ng mga hamon, ang pagiging guro ay exciting dahil marami kang makakasalamuhang iba'ibang uri ng estudyante at kapwa guro at marami ka ring matututuhang leksyon tungkol sa buhay.
Bakit nga ba pagiging guro ang aking napiling propesyon? Nagsimula ang lahat noong ako'y bata pa lamang. Ang aking unang guro ay ang aking mga magulang dahil bago pa nila ako ipasok bilang isang estudyanteng Kinder, tinuruan na nila ako ng mga magagandang asal. Dahil sa kanila, natuto akong gumawa ng magagandang asal. Nagresume ang aking ambisyon noong nasa 1st year high school ako dahil sa mga guro ko sa Araling Panlipunan I at English I. Nabighani ako sa kanilang estilo ng pagtuturo dahil hindi lang sila nagbibigay kaalaman sa amin kundi pati magagandang asal lalo na ang disiplina. Sila ang gurong nakikihalubilo sa mga estudyante kapag may mga oras na sila ay nakikipagbiruan sa amin ngunit seryoso at disiplinado kapag sila ay nagtuturo.
Nagpatuloy ito noong ikalawang taon ko sa high school dahil sa guro ko sa Araling Panlipunan II. Hindi siya tulad ng mga naging guro ko sa unang taon dahil siya ay talagang disiplinado. Kahit hindi siya nakikivibes sa amin, siya ay magaling magturo at gagawin ang lahat para lang maturuan kami.
Noong una, ayoko maging guro dahil mababa lamang ang sweldo, at tulad ng mga nabanggit sa unang paragraph (nakakainip at madali lamang ang pagiging guro). Ngunit dahil sa tatlong gurong mga nabanggit ko, namulat ako at nagbago ang aking isip. Nang dumating ang araw ng pag-aaply sa UST, hindi ako nagdalawang-isip piliin ang programang Bachelor of Secondary Education dahil gusto kong makiisa sa paglaban ng kamangmangan.
Sana pagdating ng panahon ako ay maging isang matagumpay na guro tulad ng mga nabanggit kong mga guro. Magagawa ito sa pamamagitan ng kasipagan at panalangin sa Diyos.
Dito nagtatapos ang aking dahilan kung bakit pagtuturo ang aking napili.
JAVATE, CARLUS P.
1E2
No comments:
Post a Comment