Saturday, February 27, 2016

ANG GURONG NAGING INSPIRASYON KO

Ang gurong nagbigay-inspirasyon sa akin ay si Mr. Jonathan Dator.
Siya ang 2nd year high school biology teacher ko. Siya rin ang nagbigay-inspirasyon na subukan kong kuhanin ang Biology sa Kolehiyo. Nakita niya na mataas ang mga iskor ko sa mga pagsusulit at exams ko kaya sinabi niya na paborito ko daw ang Biology. Sinasabi niya rin na ako daw ay napakabait.


Nagsimula ang aking istorya noong pagkatapos ng 2nd quarterly exam. Ayon sa Biology teacher ko, ako ang pinakamataas sa buong klase. Kahit dinoble ang pagka-check sa test paper at may iba tumaas dahil may corrections, ako pa rin ang pinakamataas sa lahat. Ang sumunod ay noong 4th quarter na at araw ng pagsusulit tungkol sa "Muscular System". Sa buong klase ko, dalawa lang ang nakapasa na may mataas na iskor; at ako ay isa sa dalawa na iyun. Pero ako pa rin ang may pinakamataas na iskor at yung isang estudyante na may mataas na iskor ay ang pangalawang pinakamataas. Tapos, isang araw, sinama ako sa mga magpapa-confirm sa Sacrament of Confirmation, ngunit ang oras ng pagpa-practice ay oras rin ng Biology. Nagkaroon rin ng pagsusulit habang araw na ng Sacrament of Confirmation. Pagkatapos ng iyun, ginawa ko yung pagsusulit dahil wala ako sa araw na iyun, at nakapasa pa rin ako na may mataas na iskor, kahit nawalan ako ng oras para sa subject na iyun. Tapos noong palapit na ang final quarterly exam, pinakita sa amin ang grado namin sa Biology. At ako ang may pinakamataas na grado sa buong batch ng 2nd Year. Pero sinabi niya na pwede pang tumaas ang grado ko kapag pinagbutihan ko ang huli niyang proyekto at kung makakuha ng napakataas na iskor sa huling exam. Ayon rin sa kanya, pagtumaas nga ang grado ko, pwede kong malagpasan yung grado ng top 1 na estudyante sa buong 2nd year. Pero nung dumating na yung araw na makikita namin yung resulta, nakita kong mataas nga ang grado ko pero hindi lumagpas. Ngunit okay lang sa akin kasi naalala ko pa rin na natutuwa siya sa mataas kong grado sa subject niya

Pagkatapos ng dalawang taon, na sa 4th year high school na ako, at noong nagkita kami ulit, sinabi niya na mag-uusap kaming dalawa lang. Nag-usap kami pagkatapos ng dismissal. Ang pinag-usapan namin ay tungkol sa pagpili ng Biology bilang kurso ko at ang mga Kolehiyong may kurso na ito. Sinabi niya rin na alam niya na kaya kong pumasa. Ngayon, sinusubukan kong gamitin yung sinabi niya para ma-udyok akong mag-aral ng mabuti. At ayan aking istorya. Sa lahat ng mga nangyari, trinatuhan ko siya bilang pangalawa kong tatay.    





- Carl Angelo O. Herrero
 











No comments:

Post a Comment