Monday, February 29, 2016

Ang aking ideyal na Paaralan (Intelligent Minds Learning Center)



                   
Jayson C. Perez
1e2
 

Hindi ko mainitindihan sa sarili ko kung papaano ako napasok sa pag aaral ng edukasyon. Ang aking unang pangarap nung ako ay nag-aaply sa kolehiyo ay ang magaral ng Asian studies, pumasa man ako sa UST ay hindi ako pinalad na makapasok sa gusto kong kurso. Gayun paman ay ipnagpatuloy ko ang pagaaral ng edukasyon. Sa simula man ay parang hindi buo ang loob ko sa pagkuha ng kurso na ito ay pinilit ko itong mahalin, hanggang sa nasanay na ako sa mga kursong itinuturo nito at minahal ko na ang programang aking pinasukan. At sa tagal ng panahon ko ng pagaaral ng preschool edukasyon ay pumasok na din sa isip ko na palawakin ko ang aking pangarap dito. Nangarap ako na pag ako ay nagging matagumpay sa aking propesyon ay plano kong magtayo ng sariling kong eskwelahan. At gusto ko sana ibahagi sa inyo ang aking plano pag papatayo ko ng aking munting paaralan sap ag dating ng panahon.
                  
Pangalan ng Eskwelahan:
          Ang magiging pangalan ng aking eskwelahan ay intelligent minds learning center. Naisip ko ang pangalan ng eskwelahan na ito dahil naniniwala ako na ang lahat ng kabataan sa mundo ay may kanya-kanyang katalinuhan at kakayahan, at kailangan lang ito ng konting pag gabay at pang unawa ng mga guro upang sila ay maging matagumpay sa kanilang mga sariling kakayahan.

Intelligent minds Learning Center:
Ang eskwelahanga ito ay ang magiging pundasyon ng mga kabataan para sa kanilang kinbukasan, ditto ay tuturuan silang magbasa, magsulat, kumanta, sumayaw at maging aktibo sa lahat ng bagay na kaya nilang gawin. Ang eskwelahang ito ay ang magiging pangalawang tahanan ng mga batang magaaral ditto.
Pisikal na straktura at lokasyon ng eskwelahan:

Lokasyon:
Ang magiging lokasyon ng aking paaralan ay sa loob ng isang payak na pamayanan kung saan ay malayo ito sa magulong kalsada at tahimik ang magiging lugar nito, upang mas maging maganda ang komunidad ng mga batang mag aaral dito.

Pisikal na straktura:
Ang eskwelahang aking itatayo ay magiging maliit lamang, payak para sa isang paaralang pang elementarya. Ito ay magkakaroon ng dalawang palapag na gusali kung upang magkasya ang preschool hanggang ika anim na baitang. Meron itong maliit na palaruan sa gilid ng eskwelahan at isang munting entablado para sa mga programang maaring pagamitan nito. Dahil maliit lang ang aking paraalang gagawin ay isang kwarto kada baiting lamang ang gagawin.


KURIKULUM:

Preschool kurikulum:
Ang aking paiiraling systema sa aking paaralan ay ang magiging mandato ng kagawaran ng edukasyon para sa elementarya. Ngunit sa isang banda nito ay magdadagdag din ako ng ilang bagay sa aking kurikulm tulad ng gagawin kong konstraktibo (constructivist) ang pasilidad ng mga nasa preschool upang mas mainitindihan ng mga magaaral ang kanilang pinag aaralan gamit ang “experiencial learning” . ang magiging silid nila ay  hindi maigigng katulad ng isang  konbensyonal na straktura ng isang silid kung hindi ay mayroon itong kanyang- kanyang lugar ng kaalaman, halimbawa na lang dito ay ang science area, music area, at kinesthetic area. Para sa akin ay mas maigiging madali sa mga magaaral na matuto sa ganitong paraan at nakasisiguro akong magiging masaya ito para sa kanila.


Elementary kurikulum:
Ang magiging systema naman ng elementarya sa aking paaralan ay magiging mandato din ng kagawaran ng edukasyon at susundin ng paaralan ang k-12 kurikulum. Kung saan lahat ng pasilidad ng kakailanganin ng isang paaralan para sa systemang ito ay susundin ng aking eskwelahan.

Serbisyo sa estudyante at empleyado:
Sa aking eskwelahang itatayo ay sisiguraduhin kong ang seguridad ng aking mga estudyante at mga empleyado nito. Kukuha ako ng security guard upang mag bantay sa eskwelahan at maglalagay din ako ng mga “security camera” sa bawat sulok ng paaralan. Ang aking mga magiging empleyado naman ay sisiguraduhin kong bibigyan ko ng sapat na sweldo at tamang benepisyo upang sila ay mag pursigi sa pagtuturo bibigyan ko sila ng magandang silid upang maging maayos ang kanilang trabaho. Para naman sa aking mga estudyante ay sisiguraduhin kong hindi masasayang ang ibinabayad ng kanilang mga magulang dahil sisiguraduhin kong magiging maganda ang kanilang magiging pasilidad na gagamitin nila sa knilang mga aralin.

Ekstra-kurikular na Gawain:
          Ang aking paaralan ay susundin ang mga programang inilathala para sa mga buwan na mayroon programa. Katulad ng lingo ng wika tuwing Agosto at United nations day tuwing oktubre. Magiging akitbo din ang aking paaralan sa mga palakasan na ipapalabas sa aming komunidad upang maranasan din ng aming mga estudyante kung papaano tumulong sa kapwa at maki-isa sa mamamayan.

Payak an gang eskwelahang aking itatayo ay sisiguraduhin kong magiging maganda at masaya ang pag-lagi ng aking mga estudyante sa aking paaralan sisiguraduhin kong matuturuan sila ng mabuting asal at maging mapagmahal sa kalikasan at sa kapwa tao. Ang aking pangarap ay pangako kong tutupadin upang maibahagi ako ang aking mga kaalaman sa mga kabataang nag nanais din na magiging guro sa dadating na mga henerasyon.

No comments:

Post a Comment