Saturday, February 27, 2016

Mga Inspiration sa Pagiging Guro

Naalala ko noong ako'y Grade 1 palamang, anim na taong gulang ako ng mga panahong iyon, kung saan madalas akong maging isang Titser sa aking mga kalaro. Naging silid-aralan naming ang harapan ng aming bahay, may mga dala-dalang libro, papel, lapis at notebook ang aking mga kalaro samantalang chalk ( na binili ko pa sa tindahan) at libro naman ang sa akin. Ngunit, hindi ko iniisip o pinangarap manlang ang maging isang guro, kahit paman sabihin na ginawa ko itong libangan noong aking kabataan.

Marami akong bagay na natutunan sa kanya;atuto akong maging mapagmahal sa pagbabasa, natuto akong maging isang responsabling mag-aaral, natutunan ko ang mga magagandang asal na kanyang isinasama sa mga aralin. Inspirasyon ko siya kung bakit pinangarap ko maging isang guro. Naging adviser ko siya hanggang second year, mula noon madami kaming natututan, mga asal at mga makabuluhang bagay.

Third Year ako ng magkaroon ng partnersyip sa pagitan ng aming eskwelahan at ng isang unibersidad na malapit sa amin. Maraming nag iba, magaganda at di kaayayang mga bagay. Sa kabila noon ay nakakuha pa rin ako ng inspirasyon, ang aming guro sa Pandaigdigang Kasaysayan at Ekonomika na sobrang galing magturo kahit na nahirapan siya sa una kung paano kami hahawakan at tuturuan, isinagad niya kami sa aming mga limitasyon at  binuksan an gaming mga kokote sa mundo ng kalakalan at kasaysayan. Isama ko na rin an gaming adviser na CLE na guro, moralidad yan ang aming pangunahing paksa sa loob ng isang taon, ditto sa mga panahong ito ko napagisipisp kung ano na nga  ba ang kukunin kong batsilyer, GURO.


Summer break, ang kapatid ko ay hinayer ng aming kapitbahay na magingisang tutor sa kambal nito na nasa ikalawang na. Ang tiyaga ng kapatid ko magturo sa kambal na ito, kailangan din pala ng tiyaga kung magtuturo ka dahil iba iabng estudyante ang makakasalamuha mo pagdating ng panahon. Akala ko madali lang ang kinuha kong kurso, sa tingin ng iba oo pero sa aming mga kasama ko hindi. Ayan sila, mga inspirasyonn ko sa buhay at sa pagiging guro. Alam ko na pagdating ng panahon ako naman ang bagbibgay ng inspirason sa mga estudyanteng gusting maging guro. – Joshua Q. Geronimo 

No comments:

Post a Comment