“LIHAM”
Iyan ang salitang nagbago ng buhay ko
bilang isang estudyante. Sinabi iyan ng guro na nagpabago sa ugali ko, sa
pananaw ko at sa buhay ko.Naalala ko pa noong una siyang pumasok sa aming
silid. First impression ko na "patay tayo diyan. Masungit ito" pero
nagkamali ako. Sobrang nakaaaliw siya. Kasama pa doon ang talento niya sa
pagturo na talaga namang kakaiba.Alam ko, at ng karamihan sa aming
magkakaklase, na magaling at ektibo ang pagturo niya. Sa kabila naman ng lahat
ng bagay na positibo sa kanya ay strikto din siya. Lahat ng bagay ay dapat nasa
ayos. Kapag nakita niyang iba ang ayos ng kanyang mga papeles ay siguradong may
sigaw at pangangaral ka galing sa kanya. Ako, noing mga panahong iyon, ay isang
palasagot na estudyante. Kapag tama ang isang bagay sa utak ko pipilitin ko na
tama iyon kahit mali naman. In short BAD girl ako.Hindi yung tipong sinisigawan
ang guro ko, gusto ko lang talaga na tama ako. Pagdating sa guro ko hindi uubra
iyon. Kung ako pinipilit na tama ako siya naman hindi aatras na itama ang mali
ko.Araw araw kaming nagtatalo;minsan pabiro ngunit minsan seryoso. Naging
malapit na rin ako sa kanya.
Isang araw nagkarron kami ng pagtatalo
at sa hindi inaasahang panahon ay nagalit ang aking guro sa akin. Mula noon ay
parang bula nalang ako sa paningin niya. Wala na akong kadiskusiyon araw araw
at wala na rin akong kabiruan tuwing pumapasok ako sa aking eskwelahan. Hindi
naging buo ang pagpasok ko sa eskwelahan. Napagtanto ko ang pagkakamali sa
ugali ko at sinubukan kong magbagoTumutok ako sa aking pagaaral. Unti-unti kong
naiangat ang sarili ko at nagkaroon na ako ng respeto sa aking mga guro.Sa loob
ng isang taon ang Jemmabelle dati ay ibang Jemmabelle na ngayon.Makalipas ang
isang taon, ako'y papalapit na sa taon ng aking pagtatapos sa hayskul at mas pInaigi
ko pa ang pagtutok ko sa aking pagaaral ng malaman kong siya ulit ang isa sa
mga magiging guro ko. Isang taon akong walang narinig na balita mula sa kanya
dahil hindi ko siya naging guro sa Filipino (filipino ang kanyang itinuturo).
Sa unang araw ng pasukan ko, unang hakbang sa pagtatapos ko ng hayskul, may
natanggap akong mahabang liham. Nagaalab ang gulo sa aking isipan kung bakit sa
unang araw ko ng pasukan ay may natanggap ako ng isang ganitong bagay.
Binuksan ko ang liham at binasa ko
ang malalim at nakaiiyak na mga salita sa loob nito.Sabi ng taong ito na nakita
niya ang pagbabago ko. Nakita niya na iba na ang taong kilala niya dati sa
taong nakikita niya ngayon. Sinabi niya na lumayo siya dahil nasaktan siya
sapagkat isa ako sa mga estudyanteng naging malapit sa kanya at ang ugaling
ipinakita ko sa kaniya ay hindi kaaya-aya. Ang paglayo niya ay isang aral na
nagsasabi sa akin na ako'y magbago bilang isang estudyante at bilang isang
nilalang ng mundong ito. Nagpasalamat siya dahil kahit aiya ay nagbago. Natuto
siyang magpahaba ng pasensya sa mga tao na nasa paligid niya lalong lalo na ang
mga estudyante niya. Natuto siyang umintindi ng isang sitwasyon at maging
mahinahon imbes na mabeast mode.Sa huli, natuwa siya sa akin dahil nagbago ako.
Natuwa siya sa akin dahil nagawa kong maabot ang pinaka tuktok ng kakayahan ko.
Alam niyang makakatapos ako ng pagaaral na may dignidad dahil sa nakikita
niya'y hindi ko pababayaan ang sarili ko.walang tigil ang pagdaloy ng luha sa mata ko na para bang isang gripong hindi mapihit upang sumara. Malinaw na ngayon sa akin ang taong sumulat ng liham na ito. maya maya lang ay pumasok na sa loob ng aming silid ang gurong sumulat ng liham na aking nabasa. Unti-unti siyang
papalapit sa gitna ng silid at pagdating niya'y taas noo siyang bumati sa aming
lahat na may ngiti sa kaniyang labi. Kitang kita ko ang kanyang mga mata na
nakatingin ng diretso sa aking mata. Tila bang pagpapasalamat ang sinasabi ng
kaiyang mga mata sa akin.Simula ng araw na iyo'y muli ko na siyang nakausap.
Siya ay hindi ko lamang naging isang guro sapagkat siya na rin ang aking
magulang at kaibigan.
ISA lamang siya sa maraming
gurong aking nakilala at naging inspirasyon. Bawat isa sa kanila'y nabigyan ako
ng mga importanteng aral ngunit lahat sila ay iisa lamang ang ipinapahiwatig.
Lahat sila ay nakapagpabago ng buhay ko. Bawat araw na tinapos ko bilang isang
estudyante hayskul ang nagpahiwatig sa akin na ang pagtuturo ay isang respetado
at maipagmamalaking propesiyon. May kakayahan itong makapagpabago ng mga
kabataan at isa itong marangal na trabaho. Ginusto kong magawa ang mga bagay na
kayang nagagawa ng aking mga naging guro. Mahirap man ang tatahakin kong landas
ay gagawin ko ang lahat ng kakayanin ng kapasidad ko bilang isang taong nagnanais
matuto at magbigay pagbabago sa nalalapit na henerasyon
-Jemmabelle L. Cruz
The Best Casino & Resort Promos 2021 | JTM Hub
ReplyDeleteFind the best promos, casino 남원 출장안마 bonuses, and 인천광역 출장안마 best casino online 충주 출장안마 of the best casino resorts and 동두천 출장안마 casino bonuses. the best casino resorts and casino bonuses. 수원 출장마사지