Kung ikaw ay may sapatos, siya naman ay naka paa.
Kung ikaw may magarang damit, siya naman ay may madungis na basahang ginagamit.
Kung Ikaw naghahangad nang “mas”, siya naman ay nakukuntento na sa “lang”.
Napaka-unfair
nang buhay.
Minsan, noong Math subject namin,
nagkaroon nang pag-uusap tungkol dito.
Sabi ko ay napaka-unfair nang buhay.
Tinanong ako nang aking guro kung bakit
daw iyon ang aking sagot ngunit hindi ako nakapagsalita dahil nagulat ako sa
sagot nang aking classmate,
FAIR daw ang buhay.
Siguro iba iba tayo nang pananaw sa buhay,
iba iba ang paniniwala.
Kinakailangan na may “mas” nakakaangat sa atin, mayroon naman na puede na sa “lang”.
Ngunit para sa akin ito ay nagiging sanhi
nang kawalan nang nararapat na edukasyon
sa atin bansa.
(HINDI lang naman EDUKASYON pati na rin ang PAMUMUHAY)
Nakapagtapos ako nang hayskul sa ibang bansa
at nakita ko ang malaking kaibahan nang pamumuhay, edukasyon at mga kabataan.
Ako ay nakapag-isip,
“Bakit ako nakakapag-aral sa magandang eskwelahan
na ang isang taon ay 100,000 pesos ang
bayad, ngunit may mga bata na hindi
nakakain nang 3 beses sa isang araw?”
“Nakikita
ko ba talaga kung ano ang aking nasa
paligid?”
Simula nung naka-uwi ako rito sa Pilipinas
ay iyan lamang ang tumatakbo sa akin isip tuwing ako ay mag-isang sasakay nang jeep.
Ako ba ay naghahangad na talagang
makatulong sa akin kapwa o nakukunsyensa lamang dahil may mga bagay ako na hinahangad pa liban sa
mga bagay na mayroon ako ngayon.
Isa lamang ang aking isang sagot,
UNFAIR ako sa mga kabataan na walang
MAKAIN, MASUOT AT WALANG EDUKASYON.
Hindi ako nagpapaka-HERO sa mga sinusulat kong ito,
Gusto kong buksan niyo ang iyong mga
mata dahil kaya tayo binigyan nang mga karapatan na makag-aral ay para itulong
natin sa kapwa kabataan ngayon at sa hinaharap.
Tayo ay mga GURO na nabubuhay para sa
misyon na tumulong, hindi tayo mga GURO na nabubuhay para sa sarili
natin lamang.
Iyan ang aking OPINYON.
Ikaw
ba?
Nakikita
mo ba talaga kung ano ang nasa kapaligiran natin?
P.S.
Siguro hindi “LIFE” ang unfair kundi “TAYO”
mismong mga tao na sinasarili lamang ang
natamong sarap nang “BUHAY”.
Dulay, Charissa Charlotte
1E2
No comments:
Post a Comment