Ang aking naging inspirasyon sa pagiging titser ay ang aking lola. Ang lola ko ay dating principal at math teacher. Syempre isa din siyang mabait at maalagang lola saamin ng kapatid ko at sa dalawa
kong pinsan.
Kaya ako nag titser dahil gusto ko maging katulad ng lola ko ngunit hindi math teacher kundi isang
TLE teacher. Gusto ko maging katulad ng lola ko na maraming natulong sa ibang tao at naging
inspirasyon din ng iba.
Paano nga ba ako magiging titser? Syempre kailangan ko mag aral ng mabuti. Ngayon ay 1st year na ko saa kolehiyo na nag aaral ng kursong BSE (Bachlelor of Secondary Education) sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi lang ako mag aaral ng mabuti, kundi hihingi din ako ng iba’t ibang payo sa aking lola. Hihingi ako ng payo kung paano maging mabuti at magaling na teacher. Kung paano ako
magiging matagumpay sa magiging trabaho ko.
Sana pag dating ng araw ay maging katulad ako ng aking minamahal na lola. Mabait, matulungin,
hinahangaan ng iba, matalino, masipag, at syempre maalagain sa pamilya. Sana ako din baling araw
ay makatulong at maging inspirasyon ng iba. At sana, Makagawa ako ng makakabuti sa bansa o sa
buong mundo.
-Cyril Angelo T, Bobes
-Cyril Angelo T, Bobes
No comments:
Post a Comment