BAKIT PAGTI-TITSER
"BAKIT KA NAGSHIFT SA EDUC?"
"Bakit mo kami iniwan?"
Yan ang palaging tanong ng aking mga kaibigan at kakilala sa Engineering tuwing nakakasalubong at nakikita ko sila dito sa Unibersidad. Hindi ko naman
sila masisising magtaka dahil napakalayo nga naman ng kursong kinuha ko nung
una, Information Technology, sa programang pinili ko ngayon, Secondary Education, pero sa
tingin ko isa talaga tong matatawag na “calling” ni God dahil siguro gusto niyang ipagpatuloy ko
ang naudlot kong pangarap na misyon noon ang maging isang cool, matalino at
kagalang galang na guro/ professor ng Siyensya o Ingles. Ito rin kasi ang pinaka naiisip kong
propesyon na maari kong kunin para may maiambag ako sa pag-unlad ng mundong ito. Yung tipong
maalala ka ng mga estudyante mong hinubog at minahal mo dahil minsan sa buhay nila may guro na nakapagbigay inspirasyon sa kanila para maging matagumpay sa buhay. Naniniwala akong nagyayari ang lahat dahil may dahilan. Merong dahilan kung bakit nandito ako sa Educ
ngayon at sa kabila ng maprosesong pinagdaanan ko sa paglipat ko dito: pag kumpirma sa slot, shifter's exam at interview pa na walang kasiguraduhan kung makakapasa ako pero
ngayon masaya ako na nandito ako at nabigyan ako ng pagkakataon na patunayan sa
iba na may ibubuga ang mga taga Educ at hindi dapat minamaliit ang programang ito.
na karapat dapat talaga tayo sa Center of Excellence
Noong hayskul palang ako, may mga gurong nagsilbing
inspirasyon sa akin dahil makikita mo ang pagmamahal nila sa kanilang ginagawa at
ang ilan sa kanila ay talagang malapit sa aking puso dahil para sa akin ang mga guro ay isa sa mga humuhubog at may malaking impluwensya sa ating pagkatao at pananaw sa buhay. Sa kabilang
banda may mga guro rin akong hindi ko gusto sa kadahilanang tamad sila magturo,
pakiramdam ko tuloy na sayang ang
matrikulang ibinabayad ng aking magulang gayundin ang oras ko.
Kaya naman may mga araw na sumasagi sa isip ko na balang araw kung magiging guro man ako ay sisiguraduhin kong gagampanan ko ng mabuti ang aking tungkulin; ang pag-aaral ay dapat maging exciting at hindi boring na gawain! Gusto ko
ring mabago ang pananaw sa mga guro, mali kasi ang mga katagang madalas kong naririnig "titser lang naman", "educ lang", "madali lang sa Educ!" dahil naniniwala ako na hindi biro
ang maging isang huwarang guro; kahit na di ganoon kalaki ang sahod ng mga ito, oras , ilang sakripisyo at dedikasyon pa sa
kanilang ginagawa ang dapat nilang ialay para maging isang Efficient at Effective na
guro ( ayon nga sa natutunan ko sa Seminar Education). “Gusto kong maging isang magaling at kilalang professor balang araw sa mga malaki at sikat na paaralan.” ang sabi ko pa sa sarili ko noon.
Ito ay kuha sa aming NSTP Literacy Training Program fieldwork. Masaya akong ang mga batang ito ay gustong gusto matuto at may pangarap sila sa buhay. |
Nakakataba rin ng puso na gumawa pa sila ng mensahe para sa akin sa huling araw ng aming fieldwork activity. |
PERO...
Noong panahon na para pumili na ako ng kurso
sa kolehiyo, napagdesisyunan ko noon na
wag ito ang kunin ko. Ang pagkuha ng kursong Edukasyon ay hindi ko man lang nilagay sa 1st choice at 2nd
choice ko.
BAKIT?!!
Sa kadahilanang na discourage ako noon dahil nga sa mga
comment ng iba na “Walang pera sa pagtuturo, mababa lang ang mga sweldo ng mga teacher, bakit di nalang ito ang kunin mo...” at tila ang propesyon na pagiging titser ay
minamaliit ng iba at siguro noon naguguluhan pa ako sa aking gustong kunin kaya dahil sa impluwensiya sa akin ng ibang tao, ng aking mga magulang, at nakakatandang kapatid sa huli ay pinili kong Information Technology ang ilagay kong 1st
choice ko dahil ito ay isa sa in-demand na kurso ngayon at madalas rin naman ako sa computer; naimpluwensyahan narin ako ng aking kapatid na Software Engineer sa isang kilalang Kompanya at kwento pa niya ay kadalasan raw ang mga katrabaho niya ay produkto ng UST at totoong malaki ang sweldo,
marami silang benepisyo at malaki ang tiyansa na makapagtrabaho pa sa ibang bansa kaya sa araw na yun kinalimutan ko ang kagustuhan kong maging isang professor ng Siyensya o Ingles.
bagamat ganoon masaya akong nakilala ko ang mga taong ito, dahil marami rin akong natutunan sa kanila... |
kaya naman alam kong mamimiss ko sila.... |
Maraming mga
professor doon ang hindi ko
makakalimutan dahil tumatak ang mga tinuro nila sa akin; mga professor na
tinulungan ako para malaman at mahubog ko ang aking mga talento; masarap kasi sa pakiramdam na na-aapreciate ng mga professors ko doon ang pagsisikap na aking ginagawa kaya
naman nahirapan din akong magdesisyon na umalis sa departamentong iyon pero sa
isang banda lalong tumindi at bumalik ang pangarap kong maging isang magaling
na professor balang araw. Napag isip-isip ko na mas maganda siguro kung nandoon talaga ako sa gusto
ko dahil sabi nga sa kasabihan “Hindi ka mapapagod sa trabaho mo kung mahal
mo ang ginagawa. Dapat ang pag-aaral sa propesyon mo ay hindi maging pabigat sayo.” at isang bonus pa eh maari ko ring maibahagi at magamit ang talento ko na pagiging malikhain sa aking mga magiging estudyante kahit hindi CFAD ang kunin kong kurso.
Nakakapanghinayang man na may mga bagay na masasayang at maiiwan ako ang alam ko lang ay dapat kong sundin kung saan ako magiging masaya dahil ang kursong iyong pinili ay nangagahulugang dito mo iaalay ang oras at panahon mo pagkatapos ng kolehiyo. May mga nakapagkwento sa akin na mataas ang kanilang sweldo pero hindi sila masaya sa kanilang ginagawa. Nagshift ako dahil napagtanto ko na dito sa kursong ito ako magro-grow bilang isang indibidwal at dito ko magagamit ang mga talentong ibinigay sa akin ng diyos; naniniwala akong isa itong maituturing na “calling” para maging isang gurong may misyon at yun ay ang makapagbigay inspirasyon at serbisyo sa aking kapwa.
Kaya naman mabuhay sa lahat ng future Thomasian Educators!
No comments:
Post a Comment