Monday, February 29, 2016



"Mama Diday!"

Ang aking inspirasyong Guro




"Mama Didaaaaayyyy!" yan aking tawag sa taong naging inspirasyon ko sa pagiging guro. Ang taong nagturo sakin na hindi kailangan ng mahigpit na paraan o estratehiya para matuto ang mga mga-aaral bagkus kailangan mo ding makisalamuha sa kanila. Siya din ang nagparanas sa akin na hindi lamang sa classroom natatapos ang ugnayan ng isang guro at mag-aaral kundi maging sa labas din. Ikinalulugod kong ipakilala si Ginang Rita Caasi- guro ko sa Filipino noong ako ay nasa ikatlong taon at ang aking "MAMA DIDAY!"


Tila isa ngang "blessing" kung tawagin ang pagdating ni Mama Diday sa buhay ko, dahil kung hindi dahil sakanya wala ako ngayon sa propesyon at misyon na aking tinatahak. Siya din ang nagbibigay ng loob sa akin pag sumusuko na ako sa mga pamatay ng gawain noong hayskul. Lagi niyang pinapaalala na "Kaya mo yan Andeng! Go! Go! Go! lang" Pag nabibigo ako sa buhay pag-ibig ko "Ganyan talaga! Magbabati din kayo" Nakikinig sa walang sawang chika ng buhay pag-ibig ko may kasama pang "Ayyyyiiee! Oh tapos?" Siya din naging kadamay ko noong di ako nakasama sa set ng mga honors ng aming batch at ang tanging naging paalala niya "Ay! :( Okay lang yan,. Bawi ka nalang sa college" Hindi bat hindi lamang siya isang guro ngunit isa din siyang huwaran at sandigan na maituturing kapag ika'y nangangailangan. Kung may contest lang sa pagiging Katangi-tanging Guro, hindi ao magdadalawang isip na inomina si Mama Diday. Siya din ang nag pabago dating ako. Ako na di masipag mag-aral. Ako na laging maingay sa klase. Dahil sa kanya naging masipag ako. 


 Ang tunay na guro ay hindi lamang sa klasrum magaling at hindi lamang sa pagtuturo nito nakikita ang galing kundi maging sa labas ng klasrum ay maaari din silang makapagbago ng buhay. Hindi natin kailangan ng magaling na guro kung hindi naman ito naiintindihan ng kanyang mga estudyante. Isa rin ito sa mga natutunan ko kay mama diday. Hindi sapat na magaling ka lang dapat may tamang pag-uugali at asal ka din na maibabahagi sa iyong mga estudaynte gayun din ang mga magagandang imahe na maiiwan mo sakanila at maaari nilang ibaon san man sila mapunta. 

Sino mag-aakala na ang mga simpleng bagay na nagawa para sa akin ng aking guro ay siyang magiging daan ko tungo sa aking misyon, misyon na maglingkod sa mga bata at mag bahagi ng aking kaalaman.


Andrea Gail A. Mojica
BSEd-1E2



No comments:

Post a Comment