Saturday, February 27, 2016

Bakit pag-teteacher?



Ang Marangal na Propesyon

         Sinasabi ng mga tao noon hanggang ngayon na hindi maganda ang pagiging isang guro dahil sa sahod na kinikita ng guro, pero para sa akin, maganda ang pagiging isang guro dahil ito ay isang marangal na propesyon at malaki rin ang kinikita ng isang guro. Gusto ko talaga na maging isang guro dahil gusto kong bigyan ng inspirasyon ang mga kabataan ngayon kung bakit mahalaga, at marangal ng pagiging isang guro. Ikwkwento ko sa inyo kung bakit ko nagustuhan maging isang guro.

        Nagsimula ito nung elementary ako dahil nakikita ko kung ano ang ginagawa ng isang teacher at nakikita ko yung mga previous teachers ko na magagaling silang magturo kahit nung high school ako, na-inspire ako sa mga teachers ko nun dahil nakikita ko kung gaano ka-importante ng pag-teateacher at nararamdaman ko na isang blessing ito para sa akin na napunta sa akin ang inspirasyon ko na maging teacher. Gusto ko maging teacher dahil na-inspired ako sa grandparents ko sa mother’s side lalong lalo na rin sa tita ko ngayon na naging teacher sya at nagtuturo sya ngayon sa Hilongos, Leyte. Ang isa pang dahilan kung bakit ko gustio ang pag-teateacher dahil gusto ko rin mag inspire sa mga kabataan ngayon na gusto maging pangarap ay maging teacher balang araw at gusto ko rin i-share yung mga kaalaman ko sa aking respective na major ko which is math. Naniniwala ako sa kasabihang “Education is the most powerful weapon, which we can use to change the world”, at naniniwala rin ako na kapag wlang teacher, walang magiging doktor, inhinyero, arkitekto, nars, at iba pa dahil ang teacher ay napaka-importanteng propesyon sa mundong ito.

       Ngayon, alam na dapat ng mga kabataan ngayon kung bakit mahalaga ang pagiging isang guro. Base sa aking pananaw, ang unang pinakamahalagang propesyon sa buong mundo, ay ang isang guro dahil binaggit kanina na kapag walang guro, walang doktor, nars, inhinyero, at iba pa dahil tayo nagbibigay ng inspirasyon sa kanila kung ano ang gusto nila paglaki at tayo rin yung naggagabay sa mga estudyante natin patungo sa kanilang pangarap. Dito nagtatapos ang aking salaysay kung bakit pag-teteacher ang gusto ko.

Ipinasa ni : Arvin Christopher Z. Canonoy - 1E2

Ipinasa kay : Sir Alvin Ringgo C. Reyes





No comments:

Post a Comment