“Bb. Olayres”
Ang aking inspirasyong guro
Isa sa mga dahilan kung bakit ako kumuha ng programang
edukasyon ay dahil nainspirasyonan ako ng aking guro. Si Bb. Olayres ay ang
aking paboritong guro sa pagkat tuwing siya ay nagtuturo ay lubos akong
natututo at nagaganahang mag-aral. Ang kanyang tinurong agham ay Engles. Sa
kanya akong lubos na natuto mag-engles at napalawak ko rin ang aking kakayahang
mag-engles sa pagkat ako’y lagi niyang tinutulungan matuto.
Ang kanyang estilo ng pagtuturo ay nakakaaliw at nakakaakit
ng pansin sa pagkat tuwing siya ay nagtuturo, palagi siyang masaya at
nakangiti. Hindi rin nawawala ang kanyang mga biro tuwing siya ay nagtuturo. Ni
minsan ay hindi namin siyang nasaksihang magalit at sumigaw dahil ang gurong
ito ay napakamahinahon sa mga sitwasyong tulad nito. Tuwing nag-iingay ang
klase ay kaya niya itong patahimikin sa kanyang sariling pamaraan. Ang kanyang
ginagawa ay tatahimik o ititigal niya panandali ang kanyang leksyon at kami
naman mga estudante ay matatauhan na maingay na pala kami at tatahimik na rin
kami upang maituloy ni binibini ang kanyang lekson.
Di bukal sa kaalaman ng mga iba kong kaklase na ang binibini
ay may mga tinatagong sekreto. Isa ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Tanging mga bilang na estudante lamang ang pinagsabihan ni binibini tungkol sa
kanyang sekreto. Sa loob ng paaralan ay meron na siyang kasintahan. At ang
pangalawa niyang sekreto ay may kinalaman sa kanyang kalusugan. Nakakalungkot
man isipin na ang mga magagaling na guro pa ay ang may mga tinatagong
malulubhang sekreto. Nang malaman ko ang kanyang kalagayan, naintindihan ko na
kung bakit siya masayahin, palaging nakangiti, hindi nagagalit at mahinahon
parati. Ito ay para rin sa kanya ikabubuti upang hindi na siya mas lalong
maaskseto.
Sa huli, para sa akin, ang pinakamagaling ko naging guro ay
si binibining Olayres. Siya ang aking pinakamalapit na naging kaibigang guro.
Hinding hindi ko malilimutan ang aking mga naging karanasan at natutunan sa
kanya. Hanggang sa muling pagkikita, binibining Olayres.
1E2
No comments:
Post a Comment