Thursday, March 17, 2016

Ang Aking Inspirasyong Guro

“Bb. Olayres”
Ang aking inspirasyong guro





Isa sa mga dahilan kung bakit ako kumuha ng programang edukasyon ay dahil nainspirasyonan ako ng aking guro. Si Bb. Olayres ay ang aking paboritong guro sa pagkat tuwing siya ay nagtuturo ay lubos akong natututo at nagaganahang mag-aral. Ang kanyang tinurong agham ay Engles. Sa kanya akong lubos na natuto mag-engles at napalawak ko rin ang aking kakayahang mag-engles sa pagkat ako’y lagi niyang tinutulungan matuto.


Ang kanyang estilo ng pagtuturo ay nakakaaliw at nakakaakit ng pansin sa pagkat tuwing siya ay nagtuturo, palagi siyang masaya at nakangiti. Hindi rin nawawala ang kanyang mga biro tuwing siya ay nagtuturo. Ni minsan ay hindi namin siyang nasaksihang magalit at sumigaw dahil ang gurong ito ay napakamahinahon sa mga sitwasyong tulad nito. Tuwing nag-iingay ang klase ay kaya niya itong patahimikin sa kanyang sariling pamaraan. Ang kanyang ginagawa ay tatahimik o ititigal niya panandali ang kanyang leksyon at kami naman mga estudante ay matatauhan na maingay na pala kami at tatahimik na rin kami upang maituloy ni binibini ang kanyang lekson.

Di bukal sa kaalaman ng mga iba kong kaklase na ang binibini ay may mga tinatagong sekreto. Isa ay tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Tanging mga bilang na estudante lamang ang pinagsabihan ni binibini tungkol sa kanyang sekreto. Sa loob ng paaralan ay meron na siyang kasintahan. At ang pangalawa niyang sekreto ay may kinalaman sa kanyang kalusugan. Nakakalungkot man isipin na ang mga magagaling na guro pa ay ang may mga tinatagong malulubhang sekreto. Nang malaman ko ang kanyang kalagayan, naintindihan ko na kung bakit siya masayahin, palaging nakangiti, hindi nagagalit at mahinahon parati. Ito ay para rin sa kanya ikabubuti upang hindi na siya mas lalong maaskseto.

Sa huli, para sa akin, ang pinakamagaling ko naging guro ay si binibining Olayres. Siya ang aking pinakamalapit na naging kaibigang guro. Hinding hindi ko malilimutan ang aking mga naging karanasan at natutunan sa kanya. Hanggang sa muling pagkikita, binibining Olayres.


1E2